I remember watching this episode years ago around 12mn on GMA 7. It was truly a gastronomic delight even at that time since I was still in Manila and it sort of satisfied my cravings for Ilonggo delicacies. Here's a snippet from that episode that eventually inspired my blog name.
From 100% Pinoy GMA NEWS
Kilala ang Iloilo dahil sa Dinagyang Festival na talaga namang dinarayo rito tuwing Enero. Sa Dinagyang – na nangangahulugang "kasiyahan" – makikita ang iba't ibang palabas at parada.
Syempre hindi mawawala rito ang pista ng mga pagkain kung saan kilala rin ang Iloilo.
Dinayo ni Raffy Tima ang pistang ito ng pagkain at inumin para makisaya sa taunang pagdiriwang ng Dinagyang.
Pista ng mga pagkain

La Paz batchoy
Kapag sinabing Iloilo, kakambal na nito ang La Paz Batchoy.
Kapag sinabing La Paz Batchoy, agad na pumapasok sa isip ang Deco's – ang sinasabing original na gumagawa ng La Paz Batchoy. Ito raw ay pagmamay-ari ng tinaguraing "Father of La Paz Batchoy" na si Frederico Guillergan.
Pero kahit na sila ang nauna, meron ding ibang namayagpag sa lasa – ang Ted's Oldtimer La Paz Batchoy. Sa sobrang sarap daw nito ay umabot na sa Maynila ang kanilang specialty.
Minatamis ng Ilonggo
Ang minatamis na yata ng Iloilo ang pinakamakasaysayan sa bansa.
Alam nyo bang ang kauna-unahang minatamis dito ay nagmula sa tira-tirang itlog na ginamit sa pagpapatayo ng simbahan ng Molo sa Iloilo? At ang sikat na biscocho ay nagmula sa mga patapong tinapay?
Pinaniniwalaang may "sweet tooth" daw ang mga Ilonggo at nasasalamin din dito ang isang katangiang pinagkakakilanlan sa mga taga-Iloilo – ang pagiging malambing.
Ilonggo specialties
Hindi natatapos sa La Paz Batchoy at sweets ang panlasa ng mga Ilonggo dahil dito rin matatagpuan ang ilan pang putahe na proudly Ilonggo-made talaga.
Nariyan ang pancit molo, binakol, kansi, kadyos, tambo at marami pang iba. Alamin kung paano ginagawa ang mga ito sa 100% Pinoy, Huwebes ng gabi pagkatapos ng Saksi, sa GMA.